ANG MUNDO ANG AKING PAGKATAO
Hilig kung maghabi nang kuwento at kasaysayan nang bawat tao….
Upang gawing palamuti sa bawat pahina ng buhay ko.
Gahibla man ang maibahagi ito’y sang patak
na tinta na mananatiling
Alaala sa bawat nilalang na daan sa aking mundo..
Maraming hiwaga sa aking pagkatao,
Na kahit ako ay hindi ko matuklasan.
Ang tunay na katuturan nang buhay.
Minsan na akong naligaw Minsan na akong nabilango sa kanlungan ng (pagdurusa at kabigoan).Ngunit hindi ko ito pinagsisihan sapagkat bahagi ito nang buhay ,
Bahagi ito nang batas nang mundo..
Pagkat walang nilalang na dadaan sa mundo na hindi nakakatikim nang kasalanan , pag durusa,paghihinagpis at kabigoan
Walang kuwenta ang buhay kung hindi mo malalasap ang tunay na kahulugan
nito.
kung anong lalim nang kasalanan
Ganon din kalalim ang pag-ungkat sa totoong kahulugan nang buhay…
Tungo sa paraisong ninanais mong pag-harian.
Sa ngayon mapayapa akong mamumuhay sa sarili kong mundo Sapagkat mahirap makipag sabayan sa mundo nang mga ipokrito Ang mundo nila ay mapanghusga,mapagkunwari, mapanlait, at puno nang pandaraya Hindi ko kinukulong ang sarili ko sa nakaraan, sa mapait na alaala
Sapagkat bukas ang pintuan ng pagkakataon at pagbabago
Upang piliin ang pagharap sa katotohan
ang labanan ang mga pagsubok sa buhay.
hindi ako perpekto,hindi rin ako henyo isa lamang akong
Gago na alipin nang mundo.
Sa ngayon ang mahalaga sa akin ang mabuhay at lumaban
upang maging isang ganap na berdugo ng panahon.
At matuklasan ang bawat hiwaga na bumabalot sa katauhan nang bawat nilalang
Ang pangalagaan at ipaglaban ang batas nang kabutihan…..
Ang harapin ang misyon ko sa sarili kong kabayanihan.
Na dadalhin ko hanggang kamatayan…
Ang apakan ko ang sarili kung katapatan sa sarili kung katauhan.
Na walang ibang hari kundi ako lamang….
Malawak ang mundong ito na pinagsisilidan nang mga tao.
Sa palagay ko kasya tayo kung sasabay ka sa akin sa pagpapaikot nito.
Malayo pa ang aking lalakbayin
NAIS MO BANG SUMABAY….
TURN D PAGE OF UR IMAGINATION BE APART OF MY WORLD….add me lordan_king@yahoo.ca
